April 18, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

‘Obvious naman!’ Janella, tumangging lagyan ng label relasyon nila ni Klea

‘Obvious naman!’ Janella, tumangging lagyan ng label relasyon nila ni Klea
Photo Courtesy: Janella Salvador (FB)

Hindi direktang sinagot ni Janella Salvador ang real score sa pagitan niya at ng kapuwa niya aktres na si Klea Pineda.

Sa panayam kasi ng media noong Huwebes, Abril 16, naurirat kay Janella ang tungkol sa estado ng relasyon nila ni Klea.

Pero sabi ni Janella, “Kailangan bang i-label? Obvious naman kung anong mayr’on. Obvious."

Ayon din sa kaniya, hindi umano niya tinago ang tungkol sa kanilang dalawa.

“I just really choose what to share. And if there is something that truly makes me happy that I really want to share, I choose to share it,” paliwanag niya.

Relasyon at Hiwalayan

Franki Russell, Enrique Gil naantala ang pagkakamabutihan

Matatandaang sa isang social media post noong Disyembre 2025, tila pasimpleng ipinahiwatig ni Janella ang status ng relasyon nila ni Janella.

Maki-Balita: ‘I’m home!’ Janella, Klea opisyal na nga bang mag-jowa? 

Nagsimulang maugnay si Klea kay Janella noong nagkasama sila sa pelikulang “Open Endings.” In fact, pinagsuspetsahan pa ngang may kinalaman ang huli sa breakup ni Klea at ng ex-girlfriend nito.

Ngunit nauna nang pinabulaanan ni Klea na wala raw nangyaring third party. Sabi naman ni Janella, “Kung ano 'yong nakikita n'yo, 'yon na 'yon.”

Maki-Balita: Hindi raw third party: Janella kay Klea, 'Kung ano nakikita n'yo, 'yon na 'yon!'