April 19, 2026

Home BALITA

PBBM, pinasilip anniversary dinner nila ni FL Liza

PBBM, pinasilip anniversary dinner nila ni FL Liza
Photo Courtesy: Screenshots from Bongbong Marcos (FB)

Ipinakita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang anniversary dinner nila ni First Lady Liza Marcos.

Sa latest Facebook post ni Marcos, Jr. nitong Biyernes, Abril 17, mapapanood ang video nilang mag-asawa na naghahanda ng hapunan ang anak nilang si William Vincent Marcos.

“Anniversary dinner, made the old-fashioned way—with love,” anang Pangulo sa caption ng post.

Ipinagdiriwang ng mag-asawang Marcos ang kanilang ika-33 anibersaryo ng kasal.

Sa isang Facebook post nito ring Biyernes, sinabi ng Pangulo na si FL Liza raw ang nakasama niya sa paghakbang sa lahat ng tagpo ng panahon.

Probinsya

Babaeng nagtago ng shabu sa maselang bahagi ng katawan para maipuslit sa kulungan, timbog!

“Through every season, in family, in work, and in everything in between, we have walked it together,” aniya.

Dagdag pa niya, “You have been my constant. Steady, wise, and always looking after our family, while never losing sight of others.”

Nagawa ring magpasalamat ng Pangulo kay FL Liza dahil sa lahat ng nabuo nila nang magkasama.

“Built a life, raised a family and kept the love alive… 33 years strong!” sabi naman ng unang ginang sa kaniyang Facebook post.

Maki-Balita: 'You have been my constant:' PBBM, may sweet message kay FL Liza