May 21, 2026

Home BALITA

HIV tests sa OFW, Pinoy tourists, required bago makalipad sa Oman?

HIV tests sa OFW, Pinoy tourists, required bago makalipad sa Oman?
Photo courtesy: Pexels

Pinabulaanan ng Philippine Embassy sa Muscat ang mga ulat hinggil sa bagong requirement para sa mga Pilipinong patungong Oman hinggil sa pagsailalim sa HIV test.

Ayon sa embahada sa kanilang advisory na inilabas noong Abril 14, 2026, iginiit nilang wala pa silang natatanggap na opisyal na abiso mula sa Oman bagama’t ilang airlines na raw ang nagpapatupad nito para sa mga Pilipinong nagnanais na pumuntang Oman.

"Please be informed that no official confirmation has been received from Omani authorities,” anang embahada.

Dagdag pa nila, “Please check with your airlines for any updates regarding travel requirements."

Samantala, patuloy na naaapektuhan ng umiigting na tensyon sa Middle East ang travel preferences ng mga Pilipino, kung saan mas nagiging maingat ang ilan sa pagpili ng destinasyon.

'We will comply!' SILG Remulla, kikilos na sa pag-aresto kay Sen. Bato

Batay sa datos ng Department of Migrant Workers (DMW), umabot sa hindi bababa sa 2,703 Pilipino ang nagtatrabaho sa Oman noong Enero 2026.

Ayon sa World Health Organization (WHO), tinatayang nasa mahigit 200,000 ang bilang ng mga Pilipinong positibo sa HIV noong 2025 kung saan mas mataas ito ng 50% kumpara noong 2024. 

Aabot din umano sa 57-61 ang bilang kada araw ng mga Pinoy na nagpopositibo sa HIV kung saan mas pabata nang pabata ang nakakauha ng naturang virus.