May 22, 2026

Home BALITA Metro

Kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease sa QC, pumalo na sa 81!

Kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease sa QC, pumalo na sa 81!
Photo courtesy: Freepik

Umabot na sa 81 ang kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa Quezon City, ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD).

Ayon sa surveillance update ng QCESD nitong Biyernes, Abril 17, ang kabuuang bilang ay naitala simula Enero 1 hanggang Abril 16. 

Sa talang ito, mga batang nasa edad anim pababa ang bumubuo sa 73% ng kaso ng HFMD sa Quezon City.

Habang nasa ikalawang distrito naman ang naitalang may pinakamataas na kaso sa lungsod, sa bilang na 22.

Kaya ipinaalala ng QCESD na upang maprotektahan ang mga bata laban sa HFMD, mahalagang panatilihin ang kalinisan at tamang hygiene sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran; bago at pagkatapos kumain; pagkatapos umubo, bumahing, at suminga; at pagkagaling sa labas ng bahay.

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout