CAPAS, Tarlac – Anim na katao ang grabeng nasugatan makaraang magkabanggaan ang isang Isuzu dropside truck at isang Nissan Urvan sa Manila North Road, Barangay Talaga sa Capas, Tarlac, nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni PO2 Roland Capan ang mga biktimang sina Fortunato Pineda, 67, driver ng van (RGB-629), ng Bgy. Maligaya, Tarlac City; Dianara Lumagui, 22, ng Bgy. Abagon, Gerona; Prizel, 35; Venice Pineda, 4; Melody, 31; at Marlene Sambrano, 29, ng pawang taga-Bgy. San Miguel, Tarlac City.

Ang likuran ng van ang nasalpok ng truck (RFR-543) na minamaneho ni Eugene Elilio, 27, ng Bgy. Bantog, Tarlac City.

(Leandro Alborote)

Probinsya

₱100k pabuya, ikinasa para sa hustisya ng 3 goat dealer na pinatay sa Maguindanao