Sa gitna ng pangamba ni Senator Leila de Lima para sa sarili niyang buhay sakaling tuluyan na siyang maaresto, inialok ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang inilarawan niyang “very safe” na maximum detention facility sa loob ng Camp Crame sa Quezon City.

“I am just waiting for instructions from the competent coach just in case they need the Custodial Center,” sabi ni Dela Rosa.

Dahil dito, malaki ang posibilidad na makasama ni De Lima sa iisang compound ang dalawang dating senador na kabilang siya sa mga nagpursigeng ipakulong kaugnay ng kontrobersiyal na “pork barrel” fund scam — sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Matatandaang ilang taon nang nakapiit sa Custodial Center sina Estrada at Revilla dahil sa nasabing kaso.

Internasyonal

DFA, nanawagang itigil ang karahasan sa Syria

Nasa compound ang tatlong magkakahiwalay na selda—ang ikatlo ay para sana kay noon ay Senador Juan Ponce Enrile, na na-hospital arrest sa PNP General Hospital at kalaunan ay pinayagang makapagpiyansa.

“I think for me that is one of the most secured detention center in the entire country because it is inside the Camp Crame,” sabi ni Dela Rosa.

“So I am offering that facility in order to give her the protection because she is a senator.

“I promise her she will be very very safe inside Camp Crame,” ani Dela Rosa.

Nahaharap si De Lima sa tatlong kaso ng droga na isinampa ng Department of Justice (DoJ) laban sa kanya sa isang korte sa Muntinlupa City kaugnay ng pagkakasangkot niya umano sa bentahan ng ilegal na droga sa National Bilibid Prisons (NBP) noong siya pa ang kalihim ng DoJ.