BAYANI copy

FROM our source, nalaman namin na may mga ipapasok pang bagong miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang dalawa sa posibleng ipasok ni Pangulong Rody Duterte ay parehong tumakbo o nagbaka-sakali sa pulitika nitong nakaraang eleksiyon pero parehong talunan. May dalawang kilalang taga-showbiz din daw na inaalok na maging board member.

Sabi ng source, lahat daw ng mga bagong pasok sa MTRCB ay pawang sumuporta sa kandidatura ni President Duterte last May.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Isa-isa na rin namang nakikilala ng bagong upong MTRCB chairperson na si Ms. Rachel Arenas ang mga board members. Nagkaroon na kasi sila ng “first board meeting” nitong nakaraang Miyerkules.

Si Direk Maning Borlaza pa rin ang vice chairman ng ahensiya, pero ayon sa kausap namin ay maaari pa rin siyang mapalitan.

Isa rin sana si Bayani Agbayani sa bagong board members. Tinanggap naman agad ni Bayani ang nasabing posisyon, pero after ng unang araw na “orientation” ay umayaw na agad ang komedyante.

Napagtanto raw marahil ni Bayani na hindi nababagay sa kanya ang pagiging board member ng MTRCB kaya agad na nagbitiw.

Nang kumalat ito sa entertainment industry, marami ang humanga kay Bayani. Hindi nga naman siya kagaya ng iba na sabik na sabik makakuha ng posisyon sa gobyerno. (JIMI ESCALA)