Erich at Daniel copy

MABUTI naman at namagitan na si Mr. Johnny Manahan, ang head ng Star Magic na talent development and management arm ng ABS-CBN, sa painit na sanang word war sa social media ng kampo ni Erich Gonzales at ni Daniel Matsunaga.

Nag-set ng private meeting si Mr. M last Thursday para sa dating magkasintahan upang personal na magkausap at itigil na ang kanilang word war. Bukod sa kanilang personal affairs, naging sentro rin ng kanilang pagkikita ang pagtungo nilang dalawa sa US para tuparin ang kanilang prior commitment sa TFC San Francisco.

May two-night concert sina Erich at Daniel with Sheryn Regis na matagal nang nakaplano bago pa man sila magkahiwalay.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa rami ng mga isyung pinag-usapan, tumagal ng halos tatlong oras ang kanilang pagtatagpo. Naging maayos ang kanilang pag-uusap at natuldukan na ang isyu.

Naging kontrobersiyal ang paghihiwalay ng ex-couple dahil sa lumutang na isyung pera diumano ang naging dahilan ng hiwalayan. Lalong uminit ang sitwasyon nang sumawsaw ang kapatid ni Daniel na si Vanessa in defense of him, na kaagad din namang pinatulan at sinagot ni Erich.

Lumipad sina Erich at Daniel nang araw ding iyon patungong US kasama ang kanilang handlers at umaasa ang mga taong nakapaligid sa dalawa na magiging maayos ang kanilang biyahe. Nag-post ng larawan ang road manager ni Erich na si Peachy Bautista habang nasa Terminal 2 sila ng Ninoy Aquino International Airport.

Naririto ang statement na inilabas ng Star Magic tungkol sa naturang private meeting:

“Nagharap kahapon (Pebrero 15) sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa Star Magic office para pag-usapan ang mga issue na may kinalaman sa kanilang hiwalayan.

Naging maayos ang usapan nilang dalawa. Walang kinalaman ang pera o third party sa kanilang paghihiwalay.

Pakiusap nina Erich at Daniel, huwag idamay ang kanilang pamilya sa issue. Hiling din ng dalawa ang pag-unawa at pagkakataong maayos nang pribado ang kanilang relasyon.” (ADOR SALUTA)