NAKASINGIT din ang Victoria Sports nang gapiin ang Jose Rizal University, 76-66, kahapon sa PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagsalansan si Robbie Herndon ng 22 puntos para sandigan ang Victoria Sports sa unang panalo matapos ang apat na dikit na kabiguan. Nag-ambag si Aris Dionisio ng 20 puntos at 13 rebound.

“I just told my guys to work hard every game because every game, we’re getting better. We shouldn’t mind our losses.

The important thing is our improvement,” sambit ni coach Jino Manansala.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna si Jerard Bautista sa naiskor na 20 puntos para sa Heavy Bombers, nagtamo ng ikatlong sunod na kabiguan matapos ang back-to-back win.

Nag-ambag si Teytey Teodoro ng 16 puntos para sa JRU.

Iskor:

Victoria Sports 76 - Herndon 22, Dionisio 20, Bitoon 12, Lao 5, Sorela 5, Koga 4, Grimaldo 3, Mag-isa 3, Nicholls 2, Butron 0, Ragasa 0.

JRU 66 - Bautista 20, Teodoro 16, Pontejos 10, Poutouochi 8, Dela Virgen 6, Ambulodto 2, Grospe 2, Lasquety 2, Escosio 0, Estrella 0, Sawat 0.

Quarterscores:

17-17; 40-36; 58-49; 76-66. (Marivic Awitan)