Shaina at Piolo copy

SIGURADONG marami ang nainggit kay Shaina Magdayao sa ipinahayag ni Piolo Pascual tungkol sa status ng kanilang relasyon. Pero hindi lang ang mga babaeng may pagnanasa kay Papa P ang nainggit, pati na rin ‘yung gustong maging boyfriend at mapangasawa ang aktor.

Sabi kasi ni Piolo sa interview sa kanya ng ABS-CBN tungkol sa relasyon nila ni Shaina: “Mahirap i-label, I guess.

Whatever it is, I guess we just have to mutually respect everyone involved and not talk more about it... I’ve been with her five years na, exclusively dating, but I know and she knows that we don’t date out of what we have. Nando’n kami.”

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ang importante kay Piolo ay alam nila pareho ni Shaina na ang relasyon nila ay “something that they value, something that they treasure” at kanilang na-appreciate.

Nabanggit naman ni Shaina sa interview, ng ABS-CBN pa rin, na ayaw niyang magmadaling sa pakikipagrelasyon dahil gusto niyang ang makakatuluyan na niya ang sunod niyang maging boyfriend.

“I’m at a point in my life na I really value the word commitment kaya siguro I’m also taking my time para the next one that comes, whoever that person is, ‘yon na ‘yon. While waiting, let’s do more productive things like trabaho.”

Tinanong si Shaina kung nakikita niya kay Piolo ang qualities na hinahanap niya sa kanyang future husband.

“He is a very good person. He’s been a good friend to me. Sa gano’ng aspeto, hindi ko pa siya masyadong kilala. Kasi for me, masyadong heavy ang husband. Hindi siya random thing lang. Pero kung ideal ba, mabait,” sagot ni Shaina.

Samantala, sa March 29 ang showing ng Northern Lights: The Movie, pelikula nina Piolo at Yen Santos sa direction ni Dondon Santos under Regal Films and Star Cinema. Kinunan ang ilang bahagi ng pelikula sa New Zealand. (NITZ MIRALLES)