Iniutos ng Supreme Court (SC) sa Bureau of Internal Revenue na ibalik ang kinaltas na buwis simula Hulyo hanggang Disyembre 2008 sa mga manggagawa na sumasahod ng minimum.

Sa ilalim ng Republic Act 9504 na isinabatas noong Hunyo 2008, exempted o hindi na dapat patawan ng income tax ang minimum wage earners, pati na ang kanilang holiday pay, overtime, night shift, differential pay at hazard pay.

Para ipatupad ang batas, nag-isyu ang BIR ng Revenue Regulations No. 10-2008 na sa halip na gawing exempted sa income tax sa buong 2008 ang mga minimum wage earner, ipatutupad na lamang ito sa nalalabing anim na buwan ng nasabing taon, o mula Hulyo 2008. Disqualified din sa tax exemption ang mga minimum wage earner na tumatanggap ng mahigit P30,000 bonus.

Kinuwestiyon ito sa Korte Suprema nina dating Senador Mar Roxas, Sen. Francis Escudero, at ng Trade Union Congress of the Philippines.

Metro

High school principal sa QC, arestado sa pangmomolestya umano ng 4 na estudyante

Sa 56-pahinang desisyon ng Korte Suprema na pinonente ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ipinawalang-bisa nito ang bahagi ng BIR Regulation na nagpapataw ng disqualification sa mga minimum wage earner na tumatanggap ng lagpas sa P30,000 bonus; pati na ang probisyon na pro-rata ang pagpapatupad ng tax exemption.

Ipatutupad ang refund sa pamamagitan ng tax credit claim o adjustment sa withholding tax. (Beth Camia)