SYLVIA AT MGA ANAK copy

PAHINGA muna sa taping ng The Greatest Love si Sylvia Sanchez nitong Martes, Araw ng mga Puso, na paggising sa umaga ay isang flower arrangement ang natanggap mula sa asawang si Art Atayde.

Post ni Ibyang, “Pagkagising ko kaninang umaga ito naman ang bumungad sa akin, basta tandaan mo lagi ‘yong sinasabi ko sa ’yo, husband, I want to grow old with you. Ikaw ang buhay ko, ikaw ang lahat lahat sa akin, asawa ko. Salamat sa walang sawang suporta mo sa amin ng mga anak mo @riaatayde @arjoatayde @gelapeno mula noon hanggang ngayon. Mahal na mahal kita, asawa ko, my greatest love #mylife #myeverything #happywife#contented #husband #family #happiness #blessed #treasures #grateful#priceless #thankuLORD.”

Nakaugalian na ng pamilya Atayde na kapag Araw ng mga Puso ay sama-sama silang naghahapunan sa bahay dahil ipinagluluto sila ng aktres.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Habang ako’y nagluluto, biglang may tumawag, ma! Paglingon ko si Joaquin (Tuazon) pala, ay si Arjo (Atayde) pala, ha-ha-ha! Sabay tanong ko, ‘O, may taping ka ‘nak, ah? Pack-up ka na? Aga, ah!’ Yes, ma. Ano niluluto mo, ‘ma?’ Hayun na, biglang di na umalis sa harap ko, tumulong na at nakipag-usap na kaya hayan, siya na assistant ko sa pagluluto, ha-ha-ha. Gandang surprise sa akin ng DIYOS sa araw na to, bonding luto! Dumating pa si Bunso, ayos! Masaya

Valentine’s Day ko, yey! #thankuLORD #mygreatestlove #son #happymom #myeverything#mylife #family #blessed #grateful #treasures #priceless #happiness #”

Pagkatapos ng sama-samang hapunan ay may kanya-kanyang lakad naman na ang mga anak nina Ibyang at Papa Art na sina Ria at Arjo.

Samantalang nanood naman ng concert ni Vice Ganda sa Smart Araneta Coliseum sina Sylvia at Papa Art kasama ang anak na si Gela at mga kaibigang galing Amerika na sina Tito Chito at Tita Fely del Rosario.

Kahapon nagbalik-trabaho si Ibyang bilang si Mama Gloria sa The Greatest Love.

As of press time, hinahanapan pa ng schedule kung kailan kukunan ang kasal nina Mama Gloria at Peter Alegre (Nonie Buencamino) dahil may mga inuuna pang eksena.

May nag-suggest na beach wedding daw kaya planong sa Nasugbu, Batangas ito kunan, pero dahil sobrang ginaw ngayon ay baka mangatog lahat kaya sabi ng iba ay sa simbahan na lang.

Ang nakakatuwa, nagprisinta ang tunay na biyenan ni Ibyang na si Mamita Pilar Atayde na kasama siya sa wedding maski isa sa mga bisita dahil gusto niyang mapanood ang kasal nina Gloria at Peter.

Tinanong namin si Papa Art kung manonood din ba siya at napangiti lang.

“Halos lahat ng mga kaibigan namin, gustong manood, hindi na problema ng production ang talents dahil lahat sila magsusuot ng gown, maski libre basta nandoon daw sila,” kuwento ni Sylvia.

Oo nga, malaking tipid ito sa production, huh.

Patuloy pa ring namamayagpag sa ratings game ang The Greatest Love mula sa GMO unit. (REGGEE BONOAN)