Natuklasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang bagong modus na nambubuyo sa electronic tax filers na ibunyag ang kanilang sekreto sa negosyo sa mga manloloko.

Hindi pa malinaw kung gaano karaming taxpayer na naghahain ng kanilang returns sa pamamagitan ng electronic filing and payment system (eFPS) ang nabiktima.

Pinayuhan ni BIR Deputy Commissioner for Information System Lanee David ang taxpayers na maging mas maingat at suriin ang aktuwal na email address ng BIR, o huwag pansinin ang mga pekeng mensahe.

Isa sa mga pekeng email na ito ay ipinadala sa isang negosyante sa Quezon City. Nakasaad sa mensahe na “this email indicated that your e-filing account has been suspended. Please follow the link to to reactivate your EFPS account.”

Eleksyon

SP Chiz sa pagtakbo ni Quiboloy bilang senador: ‘Karapatan niya ‘yon!’

Dadalhin nito ang biktima sa pekeng website.

Ang fraud na ito ay karaniwang tinatawag na “phishing” o isang pagtatangka na makakuha ng mga sensitibong impormasyon gaya ng username, password at mga detalye sa credit card at kadalasang gumagamit ng isang trustworthy entity sa electronic communication para makapanloko. (Jun Ramirez)