Alden at Maine DTBY presscon copy

REAL trouper sina Alden Richards at Maine Mendoza dahil kahit parehong may sakit, hindi nila ipina-postpone ang grand presscon ng Destined To Love, ang kanilang first teleserye sa GMA-7, sa mismong Araw ng mga Puso.

Katunayan, maaga pa nang araw na iyon, nasa Broadway Studio na sila para sa trabaho nila sa Eat Bulaga, kahit early morning na sila nakabalik ng Manila mula sa location nila sa Dolores, Quezon. Nag-rehearse sila ng dance number nila para sa AlDub Valentine Special ng noontime show. Pareho silang may fever at sipon, na nakuha nila sa napakalamig na location sa bundok ng Dolores. Nag-rest na lamang sila after ng EB para sa presscon kinagabihan sa B Hotel, sa Quezon City.

Bago ang presscon proper, may ibinigay na heart-shaped box si Alden kay Maine na puno ng red roses. Namigay naman ng long-stemmed red roses ang mga gentlemen sa cast sa entertainment press.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Natanong si Juancho Trivino at ang baguhang si Koreen Medina kung handa na ba silang ma-bash ng fans dahil may konek ang character nila kina Alden at Maine sa story. Si Juancho as Badong ay best friend ni Sinag (Maine) na hindi ipinahahalata ang secret love niya sa kababata. Si Koreen as Marjorie ay anak ng richest family sa Pelangi na na-in love kay Benjie (Alden).

Pero may bashers na pala agad ang dalawa, hindi pa man nagsisimula ang teleserye. Sabi ni Juancho, sanay na siyang ma-bash kaya hindi na lang niya pinapatulan. Magpapaka-professional siya, at gagalingan na lamang daw niya ang acting niya para walang masabi sa kanya.

Ayon naman kay Koreen, ibang magmahal ang fans nina Alden at Maine, at ginagawa lang naman niya ang iniuutos ni Direk Irene Villamor. Sa set, isa siya sa mga kinikilig sa mga nakikita niya sa phenomenal love team at itinuturing niyang honor ang pakikipagtrabaho sa dalawa.

To the rescue kina Juancho at Koreen sina Alden at Maine, na alam naman nating suki rin ng bashers o ng mga OSF (one sided fans) na hindi masaya kung hindi nakakasakit ng damdamin ng dalawa.

“Sana po maintindihan nila na work lamang kami,” sabi ni Alden. “Wala po kaming ginagawang masama, masaya lang kami kapag sama-sama kami sa set.

“Totoo po, walang personalan, trabaho lang kaming lahat,” sabi naman ni Maine. “Acting lamang po lahat ang ginagawa namin sa bawat eksena.”

World premiere airing na ng Destined To Be Yours sa Lunes, February 27, pagkatapos ng Encantadia. Bukod kina Juancho at Koreen, makakasama rin nina Alden at Maine sina Ms. Boots Anson-Rodrigo, Lotlot de Leon, Gardo Versoza, Tommy Abuel, Ronnie Henares, Sheena Halili, Dominic Roco, RJ Padilla at Ms. Janice de Belen na muling nagbabalik sa GMA Network. (NORA CALDERON)