Sarah copy

KUNG hindi pa itinuro ng kasama namin si Sarah Geronimo ay hindi namin mapapansin dahil nakatali lang ang buhok, naka-sneaker, shirt at maong pants lang kasama ang supporters/friends nang makasabay namin siyang manood ng Fifty Shades Darker sa Greenhills Promenade Cinema 8 last Friday night.

Isang buong hilera sa bandang gitna ang inupuan ng grupo ni Sarah na wala kaming nakilala isa man kaya duda namin ay fans o non-showbiz friends niya ang mga ito.

Wala naman kaming napansing reaksiyon ni Sarah habang pinapanood ang love scenes nina Anastasia Steele (Dakota Johnson) at Christian Grey (Jamie Dornan) dahil seryosong-seryoso siya lalo na sa eksenang hubo’t hubad na ang dalawang bida.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tama lang na hindi kasama ni Sarah ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli nang manood siya ng said movie dahil baka iba ang isipin ng mga makakakita.

Nakakatawa nga, Bossing DMB dahil nu’ng i-post ko sa social media na nakita ko si Sarah na nanood ng Fifty Shades Darker ay maraming nag-private message at nagtanong kung kasama ng dalaga si Matteo.  

Sabay sabi sa amin, “Baka kumuha na ng tips si Sarah kaya pinanood angFifty Shades.”

O, di ba, nanood lang ng ganu’n klaseng pelikula may iba nang kahulugan. Hello, ano ba, 29 years old na sa July 25 si Sarah Asher Tuazon Geronimo! Since 18 years old, puwede na siyang manood ng movies na for adults only. 

Pagkatapos ng pelikula ay lumabas naman kaagad ang grupo ni Sarah at dahil marami ang nakakitang kakilala ay nakipagkuwentuhan muna sandali bago siya sumakay sa kulay puting van na sumundo sa kanya.  

Mukhang wala naman din sa loob ng van si Matteo dahil may kasamang bodyguard at personal assistant ang singer/actress.

Hmmm, ‘pag nakausap namin si Sarah ay tatanungin namin kung ano ang natutuhan niya sa pelikula. So, kami rin pala makikiusyoso, ha-ha-ha-ha! (REGGEE BONOAN)