Enrique at Liza copy copy

HANDOG sa ABS-CBNmobile subscribers na registered Kapamilya VIPs (KVIP) ang pagkakataong makasama sina Liza Soberanoat Enrique Gil sa star-studded red carpet premiere ng kanilang pelikulang My Ex and Whys sa Pebrero 13 sa SM Megamall.

Sa espesyal na Valentine’s Day date, mapapabilang ang Kapamilya VIPs sa mga unang makakapanood ng kuwento nina Gio (Enrique) at Liza (Cali), dating magkasintahan na muling magkikita sa Korea at magkakaroon ng pagkakataong magkabalikan.

Bukod sa red carpet premiere, makakasama rin ang KVIPs sa cast party.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa pamamagitan ng Kapamilya VIP, madali nang mararanasan ng Kapamilya fans ang mundo ng ABS-CBN at makita up-close ang kanilang paboritong stars. Maraming mapagpipilian na Kapamilya VIP experiences ang lahat ng ABS-CBNmobile prepaid at postpaid subscribers tulad ng concerts at red carpet events.

Abot-kamay na rin ang pangarap ng fans na mapanood nang live ang transformation ng celebrity kids bilang iconic singers sa Your Face Sounds Familiar Kids. May pagkakataon ding matunghayan ang pasiklaban ng contestants sa “Tawag ng Tanghalan” at makita sina Vice Ganda at Anne Curtis sa It’s Showtime. Pati showdown ng Birit Queens ay maaari nang mapanood sa ASAP stage nang live bilang Kapamilya VIPs.

Para naman sa talk show viewers, matutupad na ang inaasam nilang mapanood ang nakakaaliw na interview nina Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice, Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda, at Karla, Jolina, at Melay sa Magandang Buhay nang live.

Mai-enjoy na rin ng comedy fans ang pagpapatawa nina Angelica Panganiban, John Prats, Jessy Mendiola, Pokwang at marami pang iba bilang live studio audience ng Banana Sundae.

Makakasama na rin ng diehard fans ng PBB atASAP ang hosts na sina Robi Domingo, Sofia Andres, at Darla Sauler sa ASAP Chillout, PBB Online, at PBB Eviction Night.

Maaari ring piliin ng Kapamilya VIPs ang pagkakataong makasama sa almusal ang Umagang Kayganda hosts at maging bahagi ng MOR Live Sessions ng nangungunang FM station sa bansa. Ang avid fans naman ng MOR sa Baguio, Dagupan, at Davao ay maaring maging MOR DJ for a day at magpatugtog ng kanilang paboritong mga kanta sa radio listeners.

Ngayong buwan, libreng My Ex and Whys movie passes din ang ipapamimigay sa masusuwerteng Kapamilya VIPs.

Open sa lahat ng active ABS-CBNmobile prepaid at postpaid subscribers ang Kapamilya VIP (KVIP) experience. Para sumali sa KVIP, kailangan lang ng prepaid subscribers ng at least P10 load balance, habang kailangan lang active ang account ng postpaid subscribers. Para i-register ang iyong ABS-CBNmobile number, i-text ang KVIP REG Name/Address to 2131. Pagkatapos mag-register, pwede ka ng pumili ng Kapamilya shows na gusto mong mapanood nang live sa pag-text ng KVIP keyword ng Kapamilya show o event at i-send sa 2131.

Para naman malaman ang available shows at events, i-text lamang ang KVIP LIST to 2131. Walang charge ang pag-send ng hanggang sa 10 entries bawa’t araw. Makakatanggap naman ng tawag mula sa isang ABS-CBNmobile representative ang lahat ng KVIP winners. Alalahanin lamang na ang transporation ay sagutin na ng mapipiling ng mapipiling Kapamilya VIPs. Para sa karagdagang impormasyon sa KVIP, pumunta sa abscbnmobile.com/article/Kapamilya-VIP-8. Available ang ABS-CBNmobile 4G LTE SIMs sa SM Stores nationwide.

Huwag palampasin ang pagkakataong maging certified Kapamilya VIP at ma-meet ang inyong idolong Kapamilya stars.

Pumunta sa abscbnmobile.com at i-follow ang ABS-CBNmobile sa Facebook (facebook.com/abscbnmobile) at Instagram (@abscbnmobile) para sa updates.