Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

6:30 n.g. – SMB vs TNT

PATAS ang serye. Walang nakalalamang.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa sitwasyon na kapwa nakakaamoy ng dugo ang magkabilang panig, asahan ang walang atrasang labanan sa pagitan ng San Miguel Beer at Talk ‘N Text sa game 3 ng kanilang best-of-five semifinal duel sa OPPO-PBA Philippine Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang walang kukurap na harapan ganap na 6:30 ng gabi.

Nakabawi ang Katropa nang mailatag ang manipis na 87-85 panalo sa Beermen sa Game Two nitong Huwebes.

Sa kabila ng kabiguan na pumutol sa naitala nilang 11- game winning run, tiwala pa rin ang Beermen sa kapasidad na makausad sa finals para sa minimithing ikatlong sunod na All- Filipino crown.