LJ, Gina at Ara copy

NAGKAAYOS na nga si Ara Mina at ang GMA-7 at production staff ng Pinulot Ka Lang sa Lupa dahil nag-resume na siyang mag-taping ng Afternoon Prime ng network. Sa muling pagre-report ni Ara sa taping, nag-post siya ng picture sa Instagram kasama sina Direk Gina Alajar at LJ Reyes na gumaganap bilang anak niya.

It’s been a while but I’m back! It’s my first taping this year for #PinulotKaLangSaLupa. Happy to see my co-stars and my lovely director again @ginaalajar @lj_reyes.”

In fairness, nasulat, pinag-usapan at natapos ang isyu ni Ara with GMA-7 and the staff of the soap nang hindi nalaman ang ugat ng isyu. Siguro naman, puwede nang sabihin ni Ara ang rason kung bakit pinagbalakan niyang mag-quit sa soap.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Anyway, mapapanood si Ara sa Star Cinema movie na My Ex and Whys bilang ina ni Liza Soberano at kapatid nina Arlene Muhlach at Cai Cortez. Showing ang pelikula sa February 15 sa direction ni Cathy Garcia-Molina. (Nitz Miralles)