Sunshine Cruz copy copy

LABIS-LABIS ang pag-aalala ni Sunshine Cruz sa pinagdadaanan ni Diego Loyzaga na nabunyag nang mag-post ito ng mga hinanakit sa amang si Cesar Montano kaya nagpadala siya ng mensahe sa young actor at sinabihan na kung anuman ang puwede niyang maitulong ay nakahanda sila ng mga kapatid nito.

“My kids love and very proud of Diego,” kuwento ni Sunshine nang mainterbyu nang reporters sa presscon ng Wildflower.

“I’m just here to support him, nandito kami nagmamahal sa kanya, marami kami. Eversince naman I’m close to Diego and Teresa (Loyzaga).”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mabait na bata raw si Diego at big brother sa mga kapatid na babae,

“Dumadaan lagi sa bahay si Diego kasi nakikipaglaro ‘yan ng PS4 at VR sa mga kapatid niya, sa akin. At nu’ng New Year, dumaan din kasi nasa Australia si Teresa. Mahal namin ‘yan, napakabait na bata niyan.

“Of course as a tita and very close to him, siyempre, malungkot ako sa nangyayari sa kanya, I’m really worried about him. Mga kapatid niya texted him and I also (sent) message (to) him na nandito lang kami. Mahal ko si Diego at mahal ko si Teresa,” kuwento ni Shine.

Nagkakausap sila ni Teresa at sa pagkakaalam niya ay magtatagal ito sa Pilipinas dahil may offer na show ang ABS-CBN dito.

Tuluyan na bang iiwan ni Teresa ang buhay sa Australia at ang pagiging flight attendant sa kilalang airline company?

“Ang alam ko, nandito siya ngayon, may offer sa kanyang show dito, so ‘yun ang alam ko. Well, kung ‘yun ang plano niya, tama lang kasi dapat nasa tabi siya ngayon ni Diego. Diego needs her,“ sagot ni Shine.

Isa si Sunshine sa cast ng Wildflower na pinagbibidahan ni Maja Salvador at aminado siyang gustung-gusto niya ang dalaga.

“Isa sa paborito kong aktres sa kanyang henerasyon si Maja Salvador, kaya maraming salamat sa ABS-CBN at sa RSB unit kay Direk Ruel S. Bayani,” sambit ni Shine.

Siyempre, dahil malapit na ang Araw ng mga Puso ay itinanong namin kay Sunshine ang plano niya at kung sino ang ka-date niya.

“Four years na akong walang ka-Valentine, pero ngayong Feb 14, kini-claim ko na meron na akong ka-Valentine. It’s also the birthday of my sister, so baka kasama ko mom ko, kids,” nakangiting sabi ng aktres.

Anyway, mapapanood na sa Lunes (Pebrero 13) ang Wildflower mula sa direksyon ni Onat Diaz. Kasama rin sa serye sina Tirso Cruz III, Priscilla Meirelles, Wendell Ramos, Vin Abrenica, RK Bagatsing, Joseph Marco at Aiko Melendez.

(Reggee Bonoan)