Isang Filipino-American at beteranong top aide ni US House Speaker Paul Ryan ang hinirang ni President Donald Trump bilang kanyang kinatawan sa legislative affairs sa US House of Representatives.
Si Joyce Yamat Meyer, 46, Deputy Chief of Staff sa Office of the Speaker, ay itinalagang Deputy Assistant to the President and House Deputy Director of Legislative Affairs.
Isinilang si Meyer sa Pittsburgh, Pennsylvania sa tubong Masantol, Pampanga na sina Michael at Evelyn Yamat. Nag-aral siya sa all-girls Divine Savior Holy Angels High School sa Milwaukee at kumuha ng political science sa University of Wisconsin-Madison. Kasal siya sa isang consultant sa Pentagon.
“She (Meyer) is the best of what we all aspire to in public service. And while this loss is personal for me, I’m so happy for the country’s gain,” sabi ni Ryan sa inilabas na pahayag. (Roy C. Mabasa)