DAYANARA copy

“IN and out” ang terminong ginamit ni Ms. Angeli Pangilinan nang tanungin namin kung ilang taon mananatili sa Pilipinas si 1993 Miss Universe Dayanara Torres kapag bumalik ito para ituloy ang naiwang showbiz career.

 

Ayon sa talent manager ni Yari, hindi naman puwedeng manatili nang matagal dito ang dating beauty queen dahil, “She takes care of her sons, ages 16 and 13.” Habang nasa bansa si Dayanara, ang kanyang ina ang nag-aalaga sa mga bagets.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Pinag-uusapan pa, pero Malou (Santos) wanted an MMK (Maalaala Mo Kaya) and movies,” sabi ni Ms Angeli nang humingi kami ng update sa offers sa tinaguriang Dancing Queen ng ASAP.

 

Wala pang konkretong detalye kung anong pelikula at kung sino ang makakasama ni Yari. Baka pagbalik na lang niya malalaman ang lahat.

 

Tinanong din namin ang manager ni Aga Muhlach na si Manay Ethel Ramos kung may offer, at kung sakali ay papayag ba siyang magsama muli sa pelikula ang ex-couple?

 

“Wala namang offer, eh. Saka hindi naman ako ang magde-decide kung tatanggapin, si Aga pa rin ‘yan,” sabi ni Manay Ethel nang magkita kami sa presscon ng Wildflower.

 

The past few weeks ay nasa Amerika ang mag-asawang Aga at Charlene Gonzalez dahil may inaasikasong negosyo at kung hindi nagbago ang plano ay kahapon ang uwi nila ng Pilipinas. (Reggee Bonoan)