Ruru at Gabbi copy

USO na naman daw ang break-up ng mga artistang mag-sweetheart like sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, at Robi Domingo at Gretchen Ho. Kaya natawa sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia nang tanungin kung totoong break na rin sila.

“Hindi po totoo na break na kami,” maagap na sagot ni Ruru. “Unang-una, paano kami magbi-break ni Gabbi, hindi pa naman naging kami. Best of friends pa rin kami hanggang sa ngayon. Close lang po kaming dalawa talaga.”

“Nasa Instagram ko pa rin po ang mga pictures namin ni Ruru,” pabirong sagot ni Gabbi. “At saka totoo po na best of friends pa lang kami ni Ruru.”

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Ngumiti rin lang ang dalawa nang tanungin kung may MU (mutual understanding) na sila. Pero ang GabRu fans, hindi naniniwala na wala pa silang relasyon.

Masayang-masaya ang fans nila dahil muling magbabalik ang AleBarro (Alena at Ybarro) love team sa Encantadia ngayong wala na si Amihan (Kylie Padilla) at bumalik na sa Devas, nang matalo nito si Hagorn (John Arcilla) at ang mga Hadezar, ang mga taong patay na pero binuhay ng mga bathalang ayaw makitang nanalo ang Lireo ng Encantadia.

Matatandaang nagtampo ang GabRu fans nang lumakas ang chemistry nina Kylie at Ruru, na ikinatuwa naman ng YbraMihan (Ybrahim at Amihan). Pero ngayong patay na si Amihan, magkakabalikan na ang mag-asawang Alena at Ybarro.

Ang tanong na ikinukulit ngayon ng Encantadiks ay kung may mawawala pa rin daw ba sa mga Sang’gre, matapos mawala sina Amihan at Pirena. Matatandaan na sa unang Encantadia, tanging si Danaya (ginampanan ni Diana Zubiri noon) ang natirang buhay sa mga Sang’gre.

Huwag kaliligtaan ang Encantadia na napapanood gabi-gabi sa GMA 7 pagkatapos ng 24 Oras.