JANELLA copy

NABA-BASH si Jenine Desiderio, ang mommy ni Janella Salvador, dahil sa tweet niyang tila may pinatatamaan.

“I want no less than a gentleman for my daughter. Not one who looks & pretends to be decent but sneaks behind my back,” unang tweet ni Jenine.

Sinundan niya ito ng isa pang tweet na, “I am close to revealing who you are. Straighten up and clean up your act or it’s the end of you.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Wala namang binanggit na pangalan si Jenine, pero bakit may mga naghahaka-haka na si Elmo Magalona, ang ka-love team ni Janella, ang pinatatamaan ni Jenine?

Hindi maiwasang mag-react ang fans ni Elmo. Unfair daw kay Elmo na pag-isipang siya ang pinasasaringan ni Jenine.

Kaya ang dare nila rito, pangalanan kung sinuman ang kanyang tinutukoy.

Dedma si Jenine, hindi sinagot ang tanong ng fans ni Elmo at fans ng love team nina Elmo at Janella.

Hindi na rin siya nag-react sa pamba-bash at pagtawag sa kanyang papansin at pasikat. (Nitz Miralles)