HATAW si Jarvey Gayoso sa naisalpak na dalawang goal para sandigan ang Ateneo sa dominanteng 4-0 panalo kontra Adamson University sa impresibong simula sa pagbubukas ng UAAP Season 79 men’s football tournament nitong Linggo sa Rizal Memorial football field.

Naisalpak ni Gayoso ang unang goal sa unang ikalimang minuto ng laro at tinuldukan ang ratsada ng Blue Eagles sa isa pang goal sa ika-71 minuto ng laro.

Nagbigay din ng kanilang goal sina Inigo Herrera at rookie striker Sam Lim sa ika-58 at ika-67 minuto, ayon

sa pagkakasunod.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sinimulan din ng Far Eastern University, tumapos sa ikalimang puwesto sa nakalipas na season, ang kampanya sa impresibong 2-0 panalo kontra University of Santo Tomas.

Naitala ni Val Jurao ang unang goal sa ika-33 minuto bago nasundan ni Rico Andes sa ika-85 minuto ng sagupaan.

Sa season opening nitong Sabado, naitala ng defending champion University of the Philippines at De La Salle ang scoreless draw, habang tabla rin sa 2-2 ang duwelo ng National University at University of the Philippines.

Magbabalik ang aksiyon sa Huwebes at mapapanood ng live sa S+A Channel 23.