LIZA copy

HUMAHATAW si Liza Soberano sa sunud-sunod na endorsements. Halos every week yata ay may bagong endorsements siyang inilalabas. Mula sa pizza, may Avon na siya, may chocolate, may relos, at maraming iba pa.

Siguradong may mga darating pang endorsements ang leading lady ni Enrique Gil sa Star Cinema movie na My Ex and Whys.

Naalala lang namin ang panawagan ni Direk Cathy Garcia-Molina sa presscon ng My Ex and Whys sa advertisers na kumukuha sa mga artista na ‘wag masyadong maging istrikto sa pagbabawal ng ipagagamit sa mga artista sa mga eksena.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nalilimitahan daw kasi silang mga director dahil halimbawang may shampoo na ini-endorse ang artista niya, bawal ipakulot o pakulayan ang buhok. ‘Pag may juice o gatas namang ini-endorse, kailangang ang brand lang na ini-endorse ang inumin. Alangan naman daw na puro tubig na lang ang ipainom nila sa artista sa bawat eksena.

Pangkalahatan ang panawagan ni Direk Cathy, nagkataon lang na sina Liza at Enrique ang mga artista niya sa nabanggit na pelikula, kaya sa dalawa nakonek ang kanyang panawagan.

Anyway, sa February 15 ang playdate ng My Ex snd Whys at sa Feb. 14, ang Grand Valentine’s Day Premiere ng movie sa SM Megamall. Kaya ‘yung magdi-date sa Araw ng mga Puso, sa premiere night na kayo pumunta. (NITZ MIRALLES)