Kim Kardashian at Chrissy Teigen
Kim Kardashian at Chrissy Teigen

INIHAYAG ni Kim Kardashian sa Twitter na magkakaroon siya ng book club kasama ang kanyang kaibigan na si Chrissy Teigen.

Ang unang magiging miyembro nila ay si Jen Atkin, ang hairstylist ni Kim. “So guys….. @chrissyteigen & @jenatkinhair & I are starting a book club!” sabi ng Kardashian beauty.

Ibinahagi rin niya na ito ang unang pagkakataon na gagawin nila ito. “I’m making them read Embraced By The Light as our first book!” dagdag niya

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kung hindi pa ninyo nababasa ang libro, tungkol ito sa 31-anyos na si Betty J. Eadie at ang kanyang near-death experience. Gayunman, hindi ito ang unang pagrerekomenda ng reality star sa New York Times bestseller sa social media. Isang linggo pa lamang ang nakararaan, nag-tweet si Kim tungkol sa pakikipag-usap niya sa awtor. “Today was such a good day!” aniya. “I spoke to my favorite author @BettyJEadie This seriously made my soul smile! I feel so enlightened by our convo!”

Bukod sa pahayag ni Kim tungkol sa book club, hinimok ni Chrissy ang kanilang mga tagahanga at followers para sumali. “JOIN US,” saad niya.

Nang tanungin kung paano makakasali, ang tugon niya: “I think you just get the book and read, my dude /dudette.” Sa madaling sabi, hindi ito imbitasyon para makasama o makapasok sa tahanan nina Kim o Chrissy.

Inilabas ni Kim ang pahayag habang nasa New York City para makipagkita sa judge at sa kanyang mga abogado tungkol sa pagiging biktima ng nakawan sa Paris noong Oktubre. Ito marahil ang nagbunsod kay Kim para magdesisyon na ang unang libro para sa bagong club ay ang nakatulong sa kanya sa pagharap sa trauma.

Ang tanging katanungan lamang ay kung hahayaan ni Kim na si Chrissy ang pumili ng susunod na libro. - Yahoo Celebrity.