BoybandPH’s Ford, Niel, Russell, Tristan, Joao
BoybandPH’s Ford, Niel, Russell, Tristan, Joao

PAGKATAPOS magwagi sa Pinoy Boyband Superstar, handa nang patunayan nina Ford Valencia, João Constancia, Niel Murillo, Russell Reyes at Tristan Ramirez ang kanilang ibubuga bilang isang boyband.

Handog ng pinakabagong singing heartthrobs ng bansa ang koleksiyon ng nakakakilig na love songs sa kanilang mabentang self-titled debut album na BoybandPH.

“It’s overwhelming and surreal. We didn’t expect to release an album so soon, isang buwan lang after the competition. Ngayon, may mga shows kami at nakakapag-bond kami kasama ang fans at ini-enjoy talaga namin,” sabi ni Russell.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito kami,” pahayag ni Joao tungkol sa dalawang sold-out grand album launch events nila. “We promise na hindi namin idi-disappoint ang fans, because we’re definitely having the time of our lives.”

Kasama sa debut album nila ang kasulukuyang single nila na Unli, na si Janella Salvador ang tampok sa music video. Nangunguna ito ngayon sa iba’t ibang radio stations at mapapakinggan na rin sa Spotify at Apple Music.

Laman din ng album ang cover nila ng Somebody ng Depeche Mode, at originals na Boyfriend, Magmamahal, ang winning song nilang We Made It, at ang acoustic version ng Boyfriend.

Positibo ang feedback ng kanilang fans sa mga kanta nang itanghal nila ito sa kanilang album launch.

“Sobrang saya namin sa mga nakikita naming sinasabi nila sa social media. Sobrang supportive nila sa amin sa simula pa lang, at ang saya lang namin na maririnig na nila ang mga kanta,” sabi ni Ford.

“Dini-dedicate namin ‘to sa mga pamilya at kaibigan namin, lalo na sa fans at supporters. Natupad na ang mga pangarap namin, pero simula pa lang ‘to. Marami pa silang dapat abangan,” ani Tristan.

Ayon sa boys, mas gumagaling na rin sila sa pagpe-perform bilang grupo.

Sabi ni Niel, ang bunso ng grupo, “Ang dami talaga naming natutunan sa ‘Pinoy Boyband Superstar.’ Nagka-confidence ako, kaming lahat. Mas kumportable na kami ngayon sa boses namin, and kumbaga we move as one.’

Ang BoybandPH ay ipinrodus nina Jonathan Manalo, Kidwolf, at Kiko Salazar under Star Music. Mabibili na ito sa record bars nationwide.

Para sa updates, bisitahin ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts mg Star Music sa Facebook.com/starrmusicph, Twitter.com/starmusicph and Instagram.com/Starmusicph.