Canadian pop star Michael Buble, left, Argentine actress Luisana Lopilato in Buenos Aires, Argentina. (AP Photo/Natacha Pisarenko, File)
Canadian pop star Michael Buble, left, Argentine actress Luisana Lopilato in Buenos Aires, Argentina. (AP Photo/Natacha Pisarenko, File)

INIHAYAG ni Michael Buble na ang kanyang tatlong taong gulang na anak na si Noah ay gumagaling na sa pagpapagamot sa cancer na sakit nito.

Sa isang pahayag, sinabi ng Canadian singer at ng kanyang asawa na si Luisana Lopilato na “doctors are very optimistic about the future for our little boy.” Anila, matapang si Noah sa pakikipaglaban sa sakit at sila ay patuloy na nakakakuha ng inspirasyon sa kanyang katapangan.

Inihayag ng pamilya na may cancer si Noah noong Nobyembre. Hindi nila binanggit kung anong uri ito.

Niana Guerrero, pinaplano na ring pasukin ang showbiz?

Mayroong isa pang anak na lalaki ang mag-asawa, si Elias. - AP