Dayanara copy

IT’S final, balik-showbiz na si 1993 Miss Universe Dayanara Torres base na rin sa kuwento ng publicist niyang si Chuck Gomez. Pero hindi pa napa-finalize kung anu-anong proyekto ang gagawin ng dating beauty queen.

Ayon sa manager ni Yari na si Ms. Angeli Pangilinan, may meeting sila ni ABS-CBN President Carlo Katigbak noong Huwebes at hindi pa niya kami nababalikan ng tawag tungkol sa update na hinihingi namin.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Matatandaan na limang taong tumira sa Pilipinas si Dayanara at nakagawa ng mga pelikulang Basta’t Kasama Kita katambal ang una niyang boyfriend na si Aga Muhlach; Hataw Na with Gary Valenciano, at Type Kita Walang Kokontra kasama si Cesar Montano.

Naging co-host din si Yari ng ASAP (1995-1999) at nag-iisang host ng Eezy Dancing (1996-1998) sa TV5.

Nalungkot ang Pinoy fans nang bumalik na sa Puerto Rico si Dayanara lalo na nu’ng malamang hiwalay na sila ni Aga dahil nga perfect couple sila.

Hindi meant for each other ang dalawa at beauty queen din ang nakatuluyan ni Aga na si Charlene Gonzales na kaibigan din ngayon ni Dayanara.

Nakapag-taping na si Yari sa Magandang Buhay noong Huwebes at bukas ay nasa ASAP siya. Nasa It’s Showtime naman sa Lunes.

Babalik ng Puerto Rico si Dayanara sa Martes para asikasuhin ang ilang papeles at para makita rin ang dalawang anak na sina Cristian Anthony Muñiz at Ryan Anthony Muñiz na nasa pangangalaga ng kanyang ina.

Mapapanood din ang ex-beauty queen sa Gandang Gabi Vice sa Pebrero 19. (Reggee Bonoan)