ROBI AT GRETCHEN copy

USAP-USAPAN ang pagkakalabuan nina Robi Domingo at Gretchen Ho. May lumabas pang isyu na si Gretchen ang nakipaghiwalay.

Nagsimula ang nasabing balita nang magpaputol ng buhok si Gretchen. Agad namang nagpaliwanag si Robi.

“Well, okay pa naman kami. Siguro masasagot ko ‘yan in the coming days, coming weeks pero as of now, we are okay,” seryosong paliwanag ni Robi.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kagaya rin daw sila ng ordinaryong magkarelasyon, may mga pagkakataon din na napapadalas ang mga tampuhan.

Nakiusap si Robi na huwag na munang pag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa.

Pagdating sa career ay masaya si Robi dahil muli siyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN na patuloy ang pagtitiwala sa kakayagan niya bilang TV host.

Bukod sa The Voice Teens ay may dalawa pang show na gagawin si Robi.

“Maybe I’ll be more with Alex Gonzaga and Kuya Luis Manzano sa mga susunod na proyekto. Sobrang nakakakilig nga and at the same time, eh, nakaka-pressure kasi I got big shoes to fill in. Siyempre, when you’re holding a mic and then standing if front of lots of people, masaya ako pero hindi siya biru-birong trabaho talaga,” sey ni Robi.

Aniya, sa hosting ay hindi lang naman pagbabasa ang konsentrasyon kundi iniisip mo rin ang anumang maaaring mangyaring masama.

“Kumbaga, you’re always thinking talaga kung anumang mangyari, alam mo dapat kung ano’ng susunod na gagawin mo,” aniya.

Si Luis ang iniidolo niya na malaki ang influence sa kanya, bukod sa international hosts na sina Ryan Seacrest at James Corden.

“Magaling na host si Luis kaya nagpasalamat ako sa kanya. Very relaxed yet alam kung ano’ng gagagwin. Maliit man ‘yung katawan ko ngayon, pero gusto ko ramdam ‘yung presence ko once na andu’n ako,” seryosong sabi ng premyadong TV host. (JIMI ESCALA)