AHRON copy

MARIING itinanggi ni Ahron Villena ang kumakalat na balitang may relasyon sila ng isang kapwa lalaki na nagngangalang Kris.

Nag-ugat ang isyu dahil sa pictures na ipino-post ni Ahron mismo sa kanyang Facebook account.

Ang naturang pictures ay kuha sa labas ng Pilipinas na ang mismong kasamang guy ang gumastos ng lahat. Sabi ng showbiz observers, kung pagbabasehan daw ang mga larawan ay “very obvious” na may itinatago ang dalawa, huh!

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Agad ipinagtanggol ni Ahron ang kanyang sarili. Wala raw katotohanan ang isyung ito. Pero hindi na nagbigay ng anumang paliwanag ang actor.

Banggit naman isang ABS-CBN insider na nakausap namin, pinangaralan nila si Ahron at sinabihang hindi nila gusto ang pagpo-post nito ng mga larawan nila ng nasabing non-showbiz guy.

“Hindi rin naman kasi natin masisisi ang mga tao kung ganu’n na lang ang iniisip nila kay Ahron. Bakit kailangan pa kasing i-post ang mga pictures na ‘yun?

“Ayaw niyang matsismis, eh, sana itinago na lang nila ang mga pictures,” sey ng kausap namin.