Aabot sa P15 milyong halaga ng smuggled na sibuyas na mula sa India ang napigilang maipadala sa Binondo, Maynila at Candaba, Pampanga nang harangin ang mga ito sa Manila International Container Port (MICP) nitong Martes.

Ang pagbibiyahe sa mga nasabing sibuyas ay walang permit mula sa Bureau of Plant and Industry (BPI), ayon kay Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon.

Napag-alaman na ang walo sa 11 container van ng sibuyas ay ipadadala sa Mheriban Sales Corporation (MSC) sa Juan Luna Street, Barangay 287, Zone 27, Binondo, Maynila habang ang tatlong natitirang container van ng sibuyas ay idi-deliver sa Malaya Multi-Purpose Cooperative (MMPC) sa Mapaniqui, Candaba, Pampanga.

“Our CIIS agents inquired at the Department of Agriculture (DA) to officially inquire on DA policy covering agricultural importation pertinent to onion products and it appears that the importers have no corresponding import permits at the moment,” pahayag ni Faeldon. (Betheena Kae Unite)

Impeachment case ni VP Sara, maaari pang madagdagan?