MACKY AT SUNSHINE copy

AKALA ba namin pinagbabawalan ng abogado sina Sunshine Cruz at Macky Mathay na mag-post ng picture nila na magkasama para hindi makaapekto sa annulment case ni Sunshine at Cesar Montano? Bakit may mga nakita kaming pictures ng dalawa sa Instagram account ni Macky?

Sabagay, hindi naman sobrang sweet ang pictures na ipinost ni Macky at sa isang picture na kasama nila ang kanilang mga kaibigan, magka-holding hands lang sila.

Ang isa pang picture, tila opening ng Sugar Factory sa Shangri-La sa The Fort. Magkatabi sila, pero hindi naman sobrang sweet. Sa isang picture lang sila magka-holding hands at hinalikan ni Macky sa cheek si Sunshine at hindi naman siguro bawal ‘yun.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kita kina Sunshine at Macky na in love na in love sila sa isa’t isa, siguradong kapag napawalang bisa na ang kasal nila sa kani-kaniyang ex-partners, mabilis silang ikakasal.