PRESENT sa Senate hearing tungkol sa mga issue sa 2016 MMFF ang Movie and Television Review and Classification Board chairman na si Atty. Toto Villareal at nakarating na rin sa kanya ang isa sa mga usap-usapan sa lobby ng Senado tungkol sa mga bagong appointment sa ahensiya na pinamunuan niya.

Bagamat wala pang kumpirmasyon mula sa Malacañang ay bulung-bulungan na si Ms. Rachel Arenas ang magiging kapalit ni Atty. Toto sa MTRB.

Sa short list na ibinigay kay Pres. Rody Duterte ay si Ms. Arenas daw ang pinili bilang kapalit ni Atty. Toto Villareal.

May mga pangalan daw na talagang kuwalipikado rin pero mas nanaig siyempre ang choice ng presidente.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa naturang umpukan din namin nabalitaan na papasok din bilang MTRCB board members sina Luke Mejares at Moymoy Palaboy na nangampanya kay Presidente Digong.

Siyempre, may mga kasamahan sa panulat na kasama namin sa umpukan ang nagtaas ng kilay sa mga bagong appointees.

“Naku, after the appointment of Mocha sa MTRCB, dapat pa ba tayong magulat?” sey ng isang katoto. (Jimi Escala)