TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Kapwa patay ang mga driver ng nagkabanggaang motorsiklo at tricycle sa Barangay Calbueg, Malasiqui, Pangasinan.
Patay si Philip Herreras, driver ng tricycle at taga-Bgy. Balite, gayundin ang motorcycle rider na si Carlos Zarate, 24, ng Bgy. Abonagan, Malasiqui.
Isinugod naman sa ospital si Joshua Malong, mga anak ni Herreras na sina Jocelyn, Janice, at Jennifer Herreras, habang malubha naman ang angkas ni Zarate na si Reslie Estrada.
Sinabi ni Supt. Roland Sacyat, hepe ng Malasiqui Police, sa Balita na nagpositibo sa alak si Zarate, na tinangkang lumusot sa trapiko hanggang sa masalpok ang kasalubong na tricycle. (Liezle Basa Iñigo)