NAGBIGAY ng donasyon si Kylie Jenner sa GoFundMe campaign para kay John Woods, yumaong ama ng best friend niya na si Jordyn.

Pumanaw si John dahil sa cancer noong Enero 18 at kumakalap ng pondo ang pamilya nito para mabayaran ang mga gastusin noong mga huling linggong inalagi ng kanilang ama sa ospital.

“I love you guys very much,” saad ni Kylie kasama ang kanyang kontribusyon sa John Woods Wheels to Wings Fund campaign page.

Nakalikom na ng mahigit $17,000 ang page na may goal na $50,000 simula nang itatag noong Enero 19.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“This is unbelievable and our souls and hearts are hurting,” saad ng ina ni Jordyn na si Elizabeth, sa site ng campaign. “He is supposed to be out riding his Harley with the crew and enjoying his time off. He now is on the ride of his life and we will forever be grateful for him.”

Nagbigay din ng suporta si Kylie, 19, nang pumanaw ang ama ng kanyang best friend noong nakaraang linggo, sa pagbahagi niya ng litrato ng dalawa na may madamdaming caption.

“My Fire Ox, My Brother, My Soul Sister. Give Jordy & her family some support and prayers right now,” ani Kylie sa Instagram. “I love you the long way @jordynwoods . The other half of me .. When you cry I cry.” (ET Online)