Barbie at apat na leading men copy

GABI-GABING nagpapakilig sa televiewers, young and old alike, ang apat na leading men ni Barbie Forteza sa Meant To Be na sina Jak Roberto, Addy Raj, Ken Chan at Ivan Dorschner.

Wala silang mapili kung sino ang nababagay kay Barbie, pero kahit nagsisimula pa lang ang primetime romantic-comedy series, alam nang mai-in love silang apat kay Billie (Barbie).

Last Friday nga sa kanilang Facebook Live habang nasa taping ang apat na guys, kasama sina Barbie at Mika de la Cruz, kanya-kanyang pili ang mga nag-participate sa question and answer. Pero si Jak, ang laging nire-request na magpakita ng kanyang 6-pack abs sa serye.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sino nga ba ang karapat-dapat at pipiliin ng netizens para kay Billie, si Ethan (Ivan) na ideal-guy/perfect boyfriend, si Jai (Addy) na napaka-hyper pero friendly na ayaw magseryoso sa buhay maging sa girls, si Macoy (Jak) na pure-blooded Pinoy na mahiyain at masunurin sa mga iniuutos sa kanya o si Yuan Lee (Ken), ang Chinoy na illegitimate child na laging mainit ang ulo at maraming nakatagong frustrations sa buhay?

May mga nagri-request na tuloy kay Direk LA Madridejos na paminsan-minsan ay pangitiin naman daw si Yuan.

Kung si Billie o Barbie ang papipiliin, ano kaya ang magiging basehan niya sa lalaking mamahalin? Sa takbo kasi ng istorya, parang mas malapit ang loob niya kay Ethan. Pero kahit lagi siyang binibiro at ipinapahamak ni Jai, lagi naman itong nagso-sorry at umaamin ng mga kasalanan. Torpe naman si Macoy, pero malakas din ang chemistry nilang dalawa, lalo na at magkasama rin sila sa Sunday Pinasaya. Pero paano kaya mapaaamo ni Billie si Yuan, kailan kaya niya mapangingiti ang binata na laging galit sa kanya?

Lalo pang magiging kaabang-abang, mas maganda at nakakatuwa ang mga eksena sa Meant To Be dahil dumating na ang dalawa pa sa cast na sina Ms. Gloria Romero as Lola Madj at papasok na rin ang Triplets na sina Sheryl Cruz, Manilyn Reynes at Tina Paner.

Napapanood ang Meant To Be pagkatapos ng Alyas Robin Hood. (Nora Calderon)