Alden & Maine Solaire 2 copy

UMAANI ng mataas na ratings ang Meant To Be na pinagbibidahan ni Barbie Forteza kasama ang kanyang apat na leading men na sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raj.

Pero hindi lang ito ang mga bagong bubuksang teleserye for 2017 ng GMA-7 dahil inihahanda na rin ang Destined To Be, ang pinakahihintay na teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza na magiging Valentine offering ng Kapuso Network.

Gagampanan ni Alden ang role ni Benjie, isang hardworking and charming architect na gustong maka-acquire ng piece of land na pag-aari ng pamilya ni Sinag (Maine). Mapagmahal na anak si Sinag na nagtatrabaho sa isang radio station sa kanilang probinsiya. Mahal niya ang kinalakihang environment at community.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Paano kaya magtatagpo ang kapalaran nina Benjie at Sinag, na ayon sa headwriter na si Des Garbes-Severino, ay magpapakita ng conflict ng dalawa pero mauuwi rin sa pag-iibigan nila.

Makakasama nina Alden at Maine sa powerhouse cast sina Lotlot de Leon, Gardo Versoza, Dominic Roco, Sheena Halili, Ina Feleo, Juancho Trivino, RJ Padilla, Koreen Medina at Boots Anson-Rodrigo. Sa proyektong ito rin magbabalik si Janice de Belen sa GMA.

Pagkatapos naman ng first at biggest directorial job sa big screen, mapapanood na magdirek sa small screen si Irene Villamor, with Camille Hermoso-Hafezan bilang program manager.

Hindi pa man naipalalabas ang Destined To Be Yours, may request na agad ang AlDub Nation na magkaroon din ito ng DVD tulad ng Imagine You & Me movie na patuloy pa ring bumebenta lalo na sa Team Abroad na nahihirapang makakuha ng copy.

(NORA CALDERON)