Tiniyak kahapon ng Malacañang sa inaapura na ang pagpoproseso sa claims ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong martial law.

Sa isang text message, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na sa isang pulong ay siniguro ng Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) kay Pangulong Duterte na pabibilisin ng grupo ang pagpoproseso ng claims ng mga biktima ng martial law at kaagad na isasakatuparan ang pagbabayad ng danyos sa mga ito.

Dumalo rin sa nasabing pulong ang mga miyembro ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA), na personal na nagkumpirma sa Presidente na ilan sa mga biktima ng martial law ang hindi pa nababayaran ng danyos hanggang ngayon. (Argyll Cyrus B. Geducos)

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’