Zanjoe, Nayomi, at Bela copy

FOLLOW-UP ito sa sinulat namin kahapon tungkol kay Zanjoe Marudo na nagsabing nami-miss na niya ang pagkakaroon ng girlfriend.

Posible nga kayang si Bela Padilla ang bagong nagpapatibok ng puso ni Zanjoe na sinabi niyang masaya at kulay pula ngayon?

Sa one-on-one interview nila ng King of Talk sa Tonight With Boy Abunda, napangiti si Xanjoe nang tanungin kung may idini-date siya ngayon.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Dalawa nga ‘yung binili kong ticket ng Coldplay,” sagot niya, “binili ko ‘yung ticket na ‘yun hindi ko alam kung sino ang kasama ko. Sa April pa ‘yun, baka magkakaroon ako ng kasama.”

Sinang-ayunan siya ni Kuya Boy, na baka nga naman magkaroon na siya ng maisasama pagdating ng Coldplay concert sa Abril.

Kung hindi kami nagkakamali ay gold tickets ang nabili ni Zanjoe at nagkataong gold din ang sinasabing ticket ni Bela.

Kaabang-abang kung silang dalawa ang magkasamang manonood ng Coldplay sa Abril 4.

May source kasi kaming nagtsika sa amin na super close ngayon sina Zanjoe at Bela. Sa katunayan, sa isang TV guesting ay hinintay pa raw ng aktor ang leading lady niya at sabay na silang umuwi.

Wala namang masama kung sila na dahil pareho na silang single.

Samantala, nabanggit din ng bida ng My Dear Heart na nangangarap na siyang magkaanak dahil naiinggit na siya sa mga kapatid niya. Idagdag pa na ilang teleserye na rin kasing father roles ang natotoka sa kanya. Dito sa huli, ideal dad naman siya ng newcomer na si Nayomi Ramos.

Bagamat enjoy siya sa mga pamangkin niya, naiisip na rin niya kung minsan ang pagkakaroon ng sariling anak. Pero hihintayin na lang daw niya kung kailan ito ibibigay ng Diyos.

At sa tsikang crush daw siya ni Vice Ganda, hindi niya alam kung seryoso ito lalo’t hindi pa naman sila nagkakausap. Kapag nagkikita ay magkalayo naman at nagtatanguan lang sila.

Hayan, may step two na tayo, Bossing DMB sa teorya natin na posible ang Zanjoe-Bela lalo’t palagi silang magkasama sa taping ng My Dear Heart na huhulaan naming magtatagal sa ere.

Timing naman dahil hawig ni Bela si Bea Alonzo. Pero hindi naman hawig ni Zanjoe si Neil Arce, huh. (REGGEE BONOAN)