ARA copy

NAG-REACT ang kampo ni Ara Mina sa pinalutang na isyung nagselos daw siya nang sunduin ni Jomari Yllana si Jean Garcia sa set ng teleseryeng ginagawa ng dalawang aktres sa GMA-7.

“Ang tagal ng isyu ng Jean at Jomari, ano ‘yun?” sabi ng kampo ni Ara. “Inuulit na naman? Pang-promo ba ito ng show nila? Kabado ba sila sa show nila kaya kung anu-anong isyu ang tino-throwback? Nakakaloka sila.”

Wala nga kaming ideya na nali-link pala sina Jean at Jomari o hindi lang talaga namin nabalitaan.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Kung noon pa ang isyu kina Jean at Jomari, bakit nga naman ibinabalik at the expense of Ara na kakaayos lang ng gusot sa GMA management nang muntikan na niyang iwan ang seryeng pinagsasamahan nila ni Jean -- dahil nga binastos daw siya ng staff.

Pero kinausap si Ara ng management, kaya napabalik nila ang aktres.

Sabi pa ng kampo ni Ara, “Mag-promote sila ng maayos na tungkol sa kuwento ng serye nila at ‘yung latest issue lang ang pag-usapan, hindi ‘yung matagal nang wala.”

Ano ba ang makakatapat ng teleserye nina Jean at Ara sa ABS-CBN? (Reggee Bonoan)