Sino ang tatanghaling kampeon sa napaka-prestihiyosong 2017 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby?

Masasagot ito ngayon sa pagdaraos ng grand finals ng epikong pasabong na sesentro sa entablado ng Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila, Pasay City.

Sa pangungna nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea at pakikipag-tulungan ng mga kasabong na sina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong, ang 2017 World Pitmasters Cup ay inihatid din sa tulong ng mga sponsors na Thunderbird Platinum, Thunderbird Bexan XP, Resorts World Manila at Warhawk.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Kabilang sa mga maglalaban-laban ang mga nanguna sa nagdaang 2-cock elimination at 3-cock semis na may score na 4,4.5 o 5 puntos.

Ang mga grand finalists ay pinangungunahan ng may perpektong score na 5 panalo sa 5 laban na sina Masbate (Gov. Tony Kho), Oliver (Nestor Vendivil), Super Gee (Eddie Gonzales), BYB Palawan Gold LTD (Benjie Baguio/Michael Decena), NKVF Elise Wild Roosters-1 (Mayor Yoyong Yap of Glan, Saranggani), at Risk Taker RSF RMD (Jojo Gatlabayan/Roger Felix).