Alden at Sarah copy

NAGSAMA na sa isang omnibus plug sina Sarah Geronimo at Alden Richards kamakalawa.

First time itong pagsasama ng dalawa sa top endorsers ng mga produkto. Parehong endorser ng Cebuana Lhuillier sina Sarah at Alden. Sa isang shoot, kasama rin nila ang Mommy Divine ni Sarah.

Inabot ng maghapon ang kanilang plug shoot at may mga behind the scenes photos pa sila habang naghihintay makunan.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Dahil mga sikat ang kinukunan, dinayo ng maraming fans ang Bambang store ng Cebuana kaya may pagkakataon na natatagalan bago makapag-shoot.

May mga nagtatanong kung kailan naman magkakasama sa TVC ng Oppo cellphone sina Alden at Sarah na pareho rin silang endorser.

Balik-trabaho nang talaga si Sarah pagkatapos ng ilang buwang pamamahinga at ngayon, bukod sa TVC shoots, gagawa sila uli ni John Lloyd Cruz ng pelikula sa Star Cinema.

May mga naka-schedule din siyang shows at balik siya sa pagiging judge ng The Voice Kids.

Paalis naman ngayong araw si Alden kasama nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Tom Rodriguez at Betong Sumaya para sa GMA Pinoy TV concert sa Long Beach, California sa Linggo, January 22.

Bago umalis si Alden, bukod sa omnibus plug shoot, dalawang araw silang nag-taping ni Maine Mendoza ng Destined To Be Yours, ang first teleserye nila sa GMA Network. Based sa pictures na lumabas, nahirapan ang production na mai-shoot sina Maine at Alden sa isang MRT station dahil sa rami ng fans na tuwang-tuwang nakita ang dalawa na magkasama. Hindi sila mapigilang tawagin nang tawagin ang pangalan ng dalawa kahit nagti-take.

Lumipat ng location ang production sa isang lugar naman sa Antipolo City. (NORA CALDERON)