Isa ang iniulat na nawawala habang 28 tripulante ang nakaligtas makaraang lumubog ang isang cargo vessel malapit sa Sto. Niño Dive Site sa Bohol nitong Martes ng gabi.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) District-Eastern Visayas, lumubog ang M/V Meridian Tres bandang 8:00 ng gabi makaraang hampasin ng malalaking alon at malakas na hangin habang naglalayag.

Nakahingi pa ng tulong ang mga tripulante ng barko sa PCG sub-station sa Danao City bago tuluyang inabandona ang cargo vessel.

Kaagad nagsagawa ng search and rescue ang PCG at nailigtas ang 28 tripulante, pero bigong makita si Benjamen Orola.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

(Beth Camia)