Bella, Selena, at The Weeknd copy

KABILANG sina Selena Gomez at The Weeknd (Abel Tesfaye) sa pinakabagong hot couple sa Hollywood, ngunit paniguradong nasasaktan ang dating girlfriend ng huli na si Bella Hadid.

“Bella and Abel’s split wasn’t dramatic, but of course she’s hurt and pissed that he’s moved on so quickly with Selena,” saad ng insider.

Isang araw pagkaraang mamataan na naghahalikan sa kanilang date sina Selena, 24, at The Weeknd, 26, in-unfollow ni Hadid ang Same Old Love singer sa Instagram.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Gayunman, sinabi ng ilang source sa People na hindi naging malapit na magkaibigan sina Selena at Hadid at walang nangyaring panloloko.

“They’ve always been friendly, but they’re not best friends,” sabi ng source. Dagdag pa ng isang pang kaibigan ni Selena: “Selena knows Bella through Taylor (Swift) and her squad, but they’ve never been close.”

Ayon pa sa kaibigan niya, nagkita sina Selena at The Weeknd “a while ago and connected over music.” Bagamat kailangang mag-abang ang mga tagahanga ng dalawa kung magkakaroon sila ng musical collaboration. Maraming source ang nagsabi na nagsisimula pa lamang ang relasyon ng dalawa.

“It’s new and nothing serious yet,” ani source. (People.com)