Aabot sa 188 pulis at pitong sibilyan ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga, partikular ng shabu, sa mandatory drug testing sa lahat ng tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Supt. Irene Rigonan, OIC sa Operations Management Division ng PNP-Crime Laboratory, nasibak na sa serbisyo ang ilan sa mga nagpositibo sa droga habang ang iba ay isasailalim sa dismissal proceedings.

Base sa record, sinabi ni Rigonan na ang Police Regional Office (PRO)-4A, o Calabarzon, ang may pinakamaraming nagpositibo sa droga, na sinundan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

“The highest ranking is a Chief Inspector (katumbas ng ranggo ng major sa militar) while the lowest ranking is Police Officer 1,” ani Rigonan. (Aaron B. Recuenco)

National

PBBM, tinanggap na pagbibitiw ni Napolcom commissioner Leonardo