Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin ng sarili niyang pinsan sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Kasalukuyang ginagamot sa ospital si Almar Perez y Orsus, 40, ng 1617 Sta. Maria Street, Tondo, Maynila dahil sa tama ng saksak sa katawan.

Tumakas ngunit naaresto ng Manila Police District (MPD)-Station 1 ang suspek na si Rogelio Geronimo y Orsus, 40, pinsan ng biktima, ng F. Varona St., Tondo.

Sa ulat ni Police Supt. Robert Domingo, dakong 12:05 ng madaling araw nitong Linggo nangyari ang krimen sa Sta. Maria St., kanto ng Apitong St., Tondo.

Pinuntahan umano ni Geronimo si Perez at pinakiusapan ito na pansamantala muna siyang makikitira.

#WalangPasok: Class suspensions ngayong July 10

Hindi umano pumayag ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng patalim si Geronimo at sinaksak si Perez. (Mary Ann Santiago)