Katy at Orlando

SINORPRESA ni Katy Perry ang kanyang boyfriend na si Orlando Bloom sa ika-40 kaarawan nito noong Sabado, kabilang ang hindi inaasahang pagdalo ng kanyang inang si Sonia Copeland Bloom.

Ibinahagi ng 32-anyos na pop star ang video sa kanyang Instagram story ang pag-ihip ng kandila ng British actor habang nakapalibot ang mga kapamilya at kaibigan sa Palm Springs, California.

Tuwang-tuwa ang Lord of the Rings star sa sorpresa at nag-post ng larawan na magkayakap sila ng kanyang ina. “Best gift ever surprise visit from me mum,” ani Bloom.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kabilang sa mga dumalong celebrity sina Jennifer Aniston at asawa nitong si Justin Theroux. (ET Online)