Ryza copy

PATOK pa rin ang kabitserye sa telebisyon at malalaman ito sa reaction ng viewers sa Ika-6 Na Utos. Hindi lang mga misis na pinagtaksilan ng kanilang mister ang sumusubaybay sa afternoon soap ng GMA-7, pati magkasintahan pa lang. Ang lalong nakakagulat, marami ring male viewers ang soap at nakiki-comment din sila.

Masayang magbasa ng comments tuwing natatapos ang airing ng bawat episode at pinakamasaya ang comments sa episode last Friday na aabot pa ngayong Lunes. Ito ‘yung episode na nagpang-abot at nag-away na naman sina Emma (Sunshine Dizon) at Georgia (Ryza Cenon) dahil kay Rome (Gabby Concepcion).

Given na ‘yung sabunutan at sampalan sa mga babaing nag-aaway lalo na kung kerida at real wife ang nagtatagpo. Pero ang pinalakpakan ng viewers ay nang buhusan ni Emma ng samalamig si Georgia. Tuwang-tuwa ang viewers, lalo na ang mga misis na naka-relate sa karakter ni Emma.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Hindi lang sina Sunshine at Gabby ang binabati sa mahusay na pag-arte, pati rin si Ryza. Sa galing nga niya, may mga gusto nang pumasok sa telebisyon para lang sampalin siya.

Galit sa kanya ang tao, kinailangan niyang mag-post ng “TO ALL GEORGIA’S HATERS THANK YOU FOR ALL YOUR SUPPORT! DON”T HATE ME, HATE GEORGIA!”

Anyway, naiyak si Ryza sa sobrang tuwa dahil nakasali siya sa list ng Best Performances of 2016 sa pagganap niya sa pelikulang Ang Manananggal sa Unit 23B.

“Nakakataba ng puso at nakakaiyak na mapasama sa mga Best Performances of 2016. Salamat po sa paniniwala,” sabi ni Ryza. (Nitz Miralles)