Kathryn at Daniel copy

MAY kumalat dati na Wedding in Vigan daw ang working title ng bagong pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Kung totoo man ‘yun, mukhang hindi na ‘yun ang napiling final title ng Star Cinema dahil Can’t Help Falling In Love na ang nababasa naming title ng movie ng KathNiel.

Nagsimula nang mag-shooting ang dalawa ng nasabing pelikula na sa title pa lang, bagay nang Valentine’s Day offering.

Sa nakita naming photos sa shooting, sweet na sweet on and off cam sina Daniel at Kathryn, lalong kinilig ang fans ng dalawa na nakakita rin sa naturang mga litrato.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Wala pang ibang detalye tungkol sa istorya ng Can’t Help Falling In Love at kung sinu-sino ang co-stars nina Daniel at Kathryn, kung sino ang director at kung kailan ang playdate. (NITZ MIRALLES)